Tuesday, March 28, 2017

Pagsusuring Basa sa Tulang "ANG GURYON"



“ANG GURYON”
Tula ni Ildefonso Santos

Tanggapin mo anak, itong munting guryon,
Na yari sa patpat at papel de Hapon
Magandang laruang pula, puti, asul,
Na may pangalan mong gitna naroroon.
Ang hiling ko lamang bago paliparin,
Ang guryong mong ito ay pakatimbangin;
Ang solo't paulo'y sukating magaling
Nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling.

Saka, pag humihip ang hangin, ilabas
At sa papawiri'y bayaang lumipad;
Datapwat ang pisi'y tibayan mo, anak
At baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin ma't hindi, balang-araw; ikaw
Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwawagi'y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,
Matangay ng iba o kaya'y mapatid;
Kung saka-sakaling di na mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ng guryon, marupok, malikot,
Dagiti't dumagit saan man sumuot...
O, paliparin mo't ibalik sa Diyos,
Bago patuluyang sa lupa'y sumubsob!







PAGSUSURI

Ang tulang ito ay may labing-dalawang sukat sa bawat taludtod, may tugma at apat na saknong.
Ang nagsisilbing tagapagsalaysay sa tula ay ang magulang ng isang bata na pinapangaralan siya tungkol sa guryon na katulad raw ng buhay ng isang tao. Napakadaling maintindihan ng tula dahil ginamitan lamang ito ng simpleng salita, na karaniwang naririnig ngunit may malalim na kahulugan.

 Ang tulang ito ay tumutukoy sa buhay ng tao, ang guryon ang nagsisilbing pangarap ng tao na gustong makamit sa buhay. Katulad nga ng guryon ang buhay natin ay napupunta sa mababa at mataas, minsan marupok  at malikot. Ngunit kung ikaw ay magsisikap ng mabuti at harapin ang lahat ng mga pagsubok sa buhay ay makakamtan mo ang iyong gusto na balang araw katulad ng isang guryon ay hahangaan at titingalain ka sa bawat paglipad mo. Sabi nga sa tula na sa bawat yugto ng iyong buhay ay may mga taong nandyan na sumusuporta sa iyo.At tandaan mo kahit malayo na ang iyong nalipad ay wag mong kalimutang magpasalamat at manalig sa panginoong Dios.


Image result


Ildefonso Santos 

Si Ildefonso P. Santos ay isang makata na isinilang sa Baritan, Malabon noong Marso 23, 1897. Kaisa-isang anak siya nina Andres Santos at Atanacia Santiago.
Nahilig si Ildefonso sa pagsusulat ng mga tula dahil sa kanyang pinsang si Leonardo Dianzon na isang makata.. Si Iñigo Ed Regalado ay humanga rin kay Ildefonso. Doon na nagsimula ang kanyang pagsulat ng mga tula. Ginamit niyang sagisag-panulat ang Ilaw Silangan.[1]
Natapos si Ildefonso Santos ng kursong edukasyon. Hindi lamang siya guro, siya ay mahusay na tagapagsaling-wika at makata. Si Ildefonso Santos ay isa sa mga kinikilalang manunulat sa Tagalog noong panahon ng Amerikano. Isa raw siya sa mahusay at maingat magsulat ng mga tula avon sa mga kritiko. Ang kanyang mga tula ay simple at karaniwan, ngunit puno ng diwa at damdamin.
 Mga tula ni Ildefonso Santos
·         Tatlong Inakay
·         Gabi 
·         Ang Guryon 
·         Sa Tabi ng Dagat
·          Ulap
·          Mangingisda


22 comments:

  1. Pagtatama: Ang guryon ay binubuo ng anim na saknong.

    ReplyDelete
  2. ano ang nilalaman ng kwento?

    Reply

    ReplyDelete
  3. Ano Ang interpretasyon ng Ang hiling ko lamang, bago paliparin,
    Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
    Ang solo’t paulo’y sukating magaling
    Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang interpretasyon sa saknong na yan ay. Kailangan mong pag isipang maigi ang bawat desisyon mo sa buhay upang hindi ka magsisi sa bandang huli

      Delete
    2. Ang interpretasyon sa saknong na yan ay. Kailangan mong pag isipang maigi ang bawat desisyon mo sa buhay upang hindi ka magsisi sa bandang huli

      Delete
  4. Ano ang mga napuna nyo sa mga nakasulat upang matukoy ang kahulugan nito

    ReplyDelete
  5. Ano po yung tugmang ginagamit nito

    ReplyDelete
  6. Teoryang Pampanitikan
    Ang tulang “AngGuryon” ay may teoryang Imahismo dahil gumagamit ito ng mga imahen upang mas madaling maunawaan ng mga mambabasa ang ano mang damdamin, kaisipan, ideya, saloobin na nais ipahayag ng tula.

    ReplyDelete
  7. Ang interpretasyon sa saknong na yan ay. Kailangan mong pag isipang maigi ang bawat desisyon mo sa buhay upang hindi ka magsisi sa bandang huli

    ReplyDelete
  8. Ano po ba ang mga matatalinhagang salita at simbolismo ang nakapaloob sa tulang ito

    ReplyDelete
  9. Elementong bumuo o nagamit sa tulang Ang guryon?

    ReplyDelete