“ANG GURYON”
Tula
ni Ildefonso Santos
Tanggapin
mo anak, itong munting guryon,
Na
yari sa patpat at papel de Hapon
Magandang
laruang pula, puti, asul,
Na
may pangalan mong gitna naroroon.
Ang
hiling ko lamang bago paliparin,
Ang
guryong mong ito ay pakatimbangin;
Ang
solo't paulo'y sukating magaling
Nang
hindi mag-ikit o kaya'y magkiling.
Saka,
pag humihip ang hangin, ilabas
At
sa papawiri'y bayaang lumipad;
Datapwat
ang pisi'y tibayan mo, anak
At
baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin
ma't hindi, balang-araw; ikaw
Ay
mapapabuyong makipagdagitan;
Makipaglaban
ka, subalit tandaan
Na
ang nagwawagi'y ang pusong marangal.
At
kung ang guryon mo'y sakaling madaig,
Matangay
ng iba o kaya'y mapatid;
Kung
saka-sakaling di na mapabalik
Maawaing
kamay nawa ang magkamit!
Ang
buhay ng guryon, marupok, malikot,
Dagiti't
dumagit saan man sumuot...
O,
paliparin mo't ibalik sa Diyos,
Bago
patuluyang sa lupa'y sumubsob!
PAGSUSURI
Ang tulang ito ay may
labing-dalawang sukat sa bawat taludtod, may tugma at apat na saknong.
Ang nagsisilbing tagapagsalaysay sa tula ay ang magulang ng isang bata na pinapangaralan siya tungkol sa guryon na katulad raw ng buhay ng isang tao. Napakadaling maintindihan ng tula dahil ginamitan lamang ito ng simpleng salita, na karaniwang naririnig ngunit may malalim na kahulugan.
Ang tulang ito ay tumutukoy sa buhay ng tao, ang guryon ang nagsisilbing pangarap ng tao na gustong makamit sa buhay. Katulad nga ng guryon ang buhay natin ay napupunta sa mababa at mataas, minsan marupok at malikot. Ngunit kung ikaw ay magsisikap ng mabuti at harapin ang lahat ng mga pagsubok sa buhay ay makakamtan mo ang iyong gusto na balang araw katulad ng isang guryon ay hahangaan at titingalain ka sa bawat paglipad mo. Sabi nga sa tula na sa bawat yugto ng iyong buhay ay may mga taong nandyan na sumusuporta sa iyo.At tandaan mo kahit malayo na ang iyong nalipad ay wag mong kalimutang magpasalamat at manalig sa panginoong Dios.

Si Ildefonso P. Santos ay isang makata na
isinilang sa Baritan, Malabon noong Marso 23, 1897. Kaisa-isang anak siya nina Andres Santos at Atanacia
Santiago.
Nahilig si Ildefonso sa pagsusulat ng mga tula dahil sa
kanyang pinsang si Leonardo Dianzon na isang makata.. Si Iñigo Ed
Regalado ay humanga rin kay Ildefonso. Doon na nagsimula
ang kanyang pagsulat ng mga tula. Ginamit niyang sagisag-panulat ang Ilaw Silangan.[1]
Natapos si Ildefonso Santos ng kursong edukasyon. Hindi
lamang siya guro, siya ay mahusay na tagapagsaling-wika at makata. Si Ildefonso
Santos ay isa sa mga kinikilalang manunulat sa Tagalog noong panahon ng Amerikano. Isa raw siya sa mahusay at
maingat magsulat ng mga tula avon sa mga kritiko. Ang kanyang mga tula ay simple
at karaniwan, ngunit puno ng diwa at damdamin.
Mga tula ni
Ildefonso Santos
·
Tatlong Inakay
·
Gabi
·
Sa Tabi ng Dagat
·
Ulap
·
Mangingisda